36th Manila International Book Fair

by - Sunday, September 20, 2015


Noong una palang bago dumating ang araw na ito, last week, buo na ang desisyon ko na pupunta ako sa 36th Manila International Book Fair with my blockmates. Pero dahil sa nangyari kahapon, naubos na ýung pera ko sa Meet and Greet ng JaDine, nagdadalawang isip akong pumunta tuloy. Tsaka may pasok kami ngayon, Civil Welfare Traing Service/ NSTP namin. Tsaka bukod doon, wala na talaga akong pera. Pero dahil gustong gusto ko talaga pumunta, I called my Mom. At first I can't tell her what I really want to say, that I'm going to a book fair event. I just told her that I don't have money anymore. Then when I already got my money, I immediately told my blockmates that sasama na ako. Then, after our CWTS/NSTP, naghadali na kami bumyahe. Tatlo ýung kasama ko. Bale, 4 kami. 

The picture below, ayan na, tanaw na namin ýung MOA. Malapit ko na makita ýung kinabukasan ko. Mga 3 hrs ang byahe, tinahak namin ýung Boni way. Mas madali mula sa university e. 


I'm super duper excited because after 8 or 9 years, mapunta na uli ako ng MOA. Yes, you read it right. Bata pa ako noong pumunta kami dito. Hindi na kami nakabalik pa dito kasi masyado talgang malayo samin. It will took alot of hours. But becuase I'm already in Manila na, hindi ko na aaksayahin pa itong pagkakataon na makarating ulit dito. Kaya pinilit ko talagang makasama. Kahit I really don't have money.

Medyo maaga kami nakarating at dahil gutom na kami, we ate at Chowking. Susko. Too exaggerate, pero lumuwa mata ko after ko makita ýung tumpok na pili ng tao sa loob. Tapos alam niyo naman, Chowking, matagal. Kulang kulang isang oras kami naghintay sa dalawang order lang na Chow Fan. Aff. 

Naglalakad kami habang kumakain. Until after we ate, we decided na pumunta na sa event. It took few minutes bago kami makarating dito. Alam niyo naman, first time lang ulit. Hihi.  


So yeah, may discount kami kasi student kami at may dala kaming ID. Pagpasok namin sa loob, hindi ko alam kung saan pupunta. Ang laki pala nito. Susko. Iba't ibang bookstand ang nandito. Meron Pop fiction, Viva PSCOM, National Bookstore, Fullybooked at iba't iba pa. Kaya naman sinundan ko lang yung isa kong kaklase kong sanay na sa ganitong event.

Noong nasa Pop Fiction kami, may nagsasabi na dadating daw ýung main cast ng Girl Friend For Hire The Movie. Ako, gusto ko talga. Pero dahil I can't afford that time, short ako sa pera, nagtiis lang ako sa pagtingkayad at pagsulyap sa kanila.  (Sorry for the photo/s below, sobrang dami ng tao, hindi ako makasingit ng maayos.)



Nakakalungkot kasi ito na ýung chance ko para magkaroon ng selfie nang naging cast/s din ng DNP na kinaadikan ko din. Ang Fab Four. Wala nga lang ang JaDine. Pero for sure marami pang chance ang nagaabang. Kaya I don't need to regret. 


For sure meron pa namang next year for this event. Kaya ngayon palang maghahanda na ako to buy a lot of books. Hihi.Before we go home, luckily we bumped into the phenomenal author of Para sa Hopeless Romantic, Marcelo Santos III outside the said event. My blockmates told me,"You know that guy?" Nagaalangan pa akong sabihin.. "SI MARCELO SANTOS BA IYON?!" At tama nga! Siya nga iyon. Ang daming nagpapakuha ng litrato sa kanya that time. Seryoso. Hindi ko siya namukhaan. Ang tangkad niya pala shet, at mas gwapo siya sa personal ngayon. Hihi. Ako, iniwan ko ýung mga blockmates ko at nagpapicture mag-isa sa kanya. Hindi ko alam ýung pinaggagagawa ko. Kasi mahiyain ako, pero agad akong sumugod at nakisingit at nagsabing "Papicture po." Tapos napakabait niya,. Inilapit niya ýung mukha niya, yumuko siya at nag smile siya agad. Buti nalang nakisama din ýung phone ko. Minsan kasi nagloloko e. Tapos nagulat ako first shot palang, na dapat kaming dalawa lang, sumingit yung tatlo kong kasama susko. Hindi ko masabing,"kami muna please?" Kasi nagpapanic na rin ako at nanginginig. Second shot, sinama ko na talaga sa picture ýung mga kasama ko. 

Susko! Ang gwapo niya na sa personal! Unluckily, wala kaming picture na dalawa lang. Huhu. Pero it's alright then. At least, I saw him in person, that hindi na kailangan bumili ng ticket or anything para lang makapagpapicture sa kanya.That time, he's heading at Viva PSCOM booth for signing event.




You May Also Like

0 comments