Sociologizing Quiapo

by - Thursday, October 08, 2015

Quiapo, also known as the Heart of Manila. Kung hindi dahil sa Sociology namin, hindi ko mabibigyan ng pansin ang mga manghuhula na nakapwesto lang sa labas ng simbhan. Bakit nga ba sila nakapwesto sa labas mismo ng simbahan? 



Ilang days kaming pabalik balik dito para mag gathered ng data tungkol sa mga religious people at mga manghuhula para sa aming term paper. Noong unang araw namin sa Quiapo, malas, kasi umuulan. Pero hindi kami nagpatalo sa ulan. Tinuloy pa rin namin ýung aming pakay at iyon ay maginterview ng mga manghuhula. Nakapaginterview kami ng isang mahuhula. 100 pesos ang bayad, unlimited questions. Sobra kaming namangha kasi ýung mga sinabi niya about doon sa ugali namin, tama. Pero he based it on our zodiac signs and horoscope. He is half Tibetan. Naniniwala siya na noong namatay ýung Dad niya, sa kanya ni-reincarnate ýung kapangyarihan na makapanghula. He’s also a retired teacher. After niyang magretiro, pumasok na siya sa mundo ng panghuhula at dito niya napili, sa Quiapo, na manghula. 



Siya ýung klase ng manghuhula na nakakabit ang kanyang trabaho sa Katolisismo. Binabase niya daw ang kanyang hula ayon sa Bibliya. Ýung second na manghuhula na na-interview ng groupmates ko (na hindi ako nakasama) madaming tattoo. At parang kontra-na-hindi sa Katolisismo. Yung huling na-interview namin na manghuhula, inamin niyang walang kinalaman ang relihiyon sa kanilang trabaho; o labas ito sa kanilang trabaho. At hindi rin namin malalaman ang totoo, kung hindi dahil sa kanya, na ýung na-interview naming madaming tatoo ay isa palang naka-shabu. Yes. Ma-nonotice niyo ýan kapag napanood ninyo ýung video niya. That man covered with tattoos told us that, “bawat tattoo na ýan (while pointing all over his tattoos) may mga simbolo ýan. Malalaman ko kung sino ýung kumokontra sakin (nangungulam).” [The remaining two manghuhulas, doesn't have any picture. Only the first manghuhula]



He also said on our interview that, “ang mga manghuhula ay mangkukulam din. Gumagamit sila ng black magic.” Diyan sa statement na iyan kumontra ang pangatlo naming na-interviewng manghuhula. Kontra naman nung huli namin manghuhulang na-interview, “magkaiba ang manghuhula at mangkukulam. Dahil hindi gumagamit ang mga manghuhula nang black magic. Depende nalang kung nagpapanggap lang pala siya (mangkukulam) na manghuhula.”


We also asked, “bakit po nagpapabayad pa kayo kung ang sabi niyo nga po ay ginagabayan niyo lang sila,” (Ang pinupunto namin dito ay bakit sila nagpapabayad kahit interview lang)


“Dahil may bayad itong pwesto namin.” Based on our interview naman doon sa isang tiga-simbahan, “Hindi sila pinapabayadan (sa pwesto nila).” Nagtaka kami kaya naman pala sila nagbabayad ay dahil, “may humahawak samin (nakakataas/leader)” Ang ibig sabihin may sindikatong humahawak sa kanila at doon sila nagbabayad para hindi sila paalisin/hulihin. At beside that, hanap-buhay na rin daw nila ito. Dahil dito sa term paper sa Sociology namin, madami akong nalaman at natutunan.



At dahil hindi makukumpleto ang term paper na ito kung hindi namin susubukan ang magpahula. Total nag-offer ýung panghuli naming manghuhulang na interview nang libreng hula. Wala namang masama para sa akin ang subukan. Alam ko naman sa sarili ko mismo na hindi ako naniniwala sa hula, at alam kong malakas ang pananalig ko sa Diyos. Kaya hindi nito matitibag ang relationship ko kay God. 


Nakakatawa lang dahil, oo, may mga tama siyang hula, pero meron ding sumasablay. Tulad nalang nung sa lovelife. Mahal pa daw ako nun. Iniisip pa daw niya ako. Pero sa totoo lang, wala akong ma-isip kung sino siya, kasi hindi naman ako nagkaroon ng karelasyon. Pinapakita ko na lang sa manghuhula na nakangiti ako at agree ako sa sinasabi niya, kahit ang totoo maling mali siya. Tapos nakakatawa din, he told me that, “zero balance” daw ako this year. Unang pumasok sa utak ko, is he talking about money? “love life mo” Tapos natawa talaga ako, Literally. Tapos bigla niyang binawi, he said, “pero next year baka meron ka na” Pero sa totoo lang, it’s no big deal to me. Haha.


Looking forward for more experience/andventure like this. Thank you to my groupmates. I really had so much fun today!



QUIAPO DAY 1 - SEPTEMBER 16, 2015
QUIAPO DAY 2 - OCTOBER 7, 2015

You May Also Like

7 comments

  1. Hi! Ang ganda po ng blog mo,but how did you put that thing up like home,blog,about e.t.c? Just wanted to have that too in my blog ( withlovemariefactes.blogspot.com ) . Regards!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Thank you for passing by! :-) Maybe this could help you (http://icanbuildablog.com/2015/08/how-to-add-a-drop-down-menu-to-a-blogger-blog-without-javascript/)

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Manghuhulas still give me goose bumps. I never tried to consult but my friends. Para mo na kasing kinakalaban ang dapat mangyari sayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba-iba naman po tayo ng beliefs, pero ako, i never believe in fortunetellers, esp the fortunetellers in Quiapo. I only believe in God. :) Kahit labanan man, hindi pa rin kaya, lalo na kung 'yun naman po talaga 'yung nakatadhanang mangyari. But anyways, thanks for sharing your thoughts :) and thanks for stopping by :)

      Delete
  4. your blog somehow looks like maine mendoza's blog :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, yah bcos she's one of my blog-inspiration. :D

      Delete