Fangirl Diary: I finally saw JaDine in person!

by - Saturday, September 19, 2015



Hindi ko inaasahan na ngayong araw ko sila makikita. Kasi nalaman ko nalang bago dumating yung araw ngayon, which was yesterday. Wala kasi akong internet sa dorm. Kaya hindi ako updated sa kanila. Ilang beses kong binasa nang paulit ulit yung photo na kung saan doon nakalagay ýung update na nasa "JaDine Meet and Greet at Ayala Fairview Terraces. 3-5PM" sila.



Gustong gusto ko na talaga pumunta. Kaso kasi gagawa kami ng final project namin sa English sa School. Sabi ko sa isa kong kasama na nakatira din sa bandang Commonwealth, malapit na sa Fairview.



"Alam mo ba ýung Fairview Terraces? Punta nga tayo please. Nandoon ýung JaDine. Hindi ko kasi alam ýun e. Please. Kahit libre na kita pamasahe." Oo. Sobrang desperada na ako makita sila. Gustong gusto ko na talaga sila makita. I think this is my chance na makita sila in person. Total nandito na rin naman ako sa Manila e.



Agad naman siyang pumayag. Sinabi ko rin sa kanya na gawin na namin ýung part namin sa project para the next day pwede kami i-excuse. Gagawa na lang ako ng palusot. Hindi ko sasabihin sa kanila na Mallshow ýung pupuntahan ko. Kasi baka hindi ako payagan nung leader namin.



So the next day, I. AM. SUPER. EXCITED. Tinawagan ko agad ýung kasama ko and I asked her kung tapos na siya doon sa part niya sa project. Then gladly, she said yes. Agad akong naligo at naghahadaling pumunta nang school para iabot yung part ko at makita ýung kasama ko.



Noong una, I don't know kung how to say it to our leader. Kasi ýung leader pa namin parang strict. Pero nagulat ako pagdating ko, payag na siya agad. Kaya pala, kasi sinabi na nung kaibigan kong kasama sa Mallshow yung pupuntahan namin. Grabe napakasaya ko talaga. Afterwards, naghahadali na kaming umalis. Baka kasi wala pa kaming maabutan. Susko.



"Basta! Kailangan na namin umalis! May pupuntahan lang kami importante!" Iyan lang ang dialogue ko. Ayaw kong sabihin kung ano. Kasi nadala na ako na sa sobrang excited, hindi natutuloy. Kaya iyon.



Grabe. Sobrang nawawalan na ako ng pagasa habang nasa byahe. Kasi NA.PA.KA.LA.YO pala mula sa school. Nakakainis! Umulan na't tumila na lahat, nasa byahe pa rin kami. Parang wala na kaming aabutan doon. Tapos 3:30 na. Naguumpisa na.



Nasa likod kami napwesto, as in literal na back of the backstage. Kasi sobrang dami talaga! Napakadami ng tao sa loob at labas! Lalo na kahit nasa likod ka, marami pa ring tao! Hindi namin alam kung saan kami pupwesto. Tulak dito, singit doon. Gitgit dito, siksik doon. Tapos hindi pa sila (yung mga die-hard fan) nakuntento. Para lang makita nila ng malapitan, nananabunot pa talaga! At isa na ako sa nasabunutan. Susko. Naligo na nga ako sa pawis. Hindi na nga ako makahinga sa amoy at dahil napakasikip, nagawa pa kong sabunutan at humawak pa balikat ko para tumalon. Akala ko nga hihimatayin ako. Pero thank God at hindi nangyari. After nilang magperfom, lumuwag-luwag na ýung pwesto namin dito sa likod.




Pirmahan na nung scrapbook nila. So mahaba-habang proseso ito. Ang dami kasing tao sa mismong event, yung mga naka-upo. Dahil hindi talaga ako papayag na hindi sila makita ng maayos, nagtatakbo ako at pumunta sa second floor kung saan kitang kita sila. Doon ako pumwesto sa middle ng second floor, yung kitang kita sila. At first nahirapan ako makarating sa mismong glass barricade nitong second floor. Pero dahil matyaga akong naki-siksik, successfully nakarating ako sa kinalulugaran ko ngayon.



All the photos you will see below are all taken by me. Please, if you're going to grab, ask permission first by commenting down below. Dahil kung alam niyo lang hirap na hirap po ako kuhanan ng pictures sila. Kasi ýung digital camera ko naglolobat, tapos papatayin ko and ioopen, then pwede na uli. Kundi naman ang blurred kasi ang gulo nung mga katabi at nasa likod ko. Hindi ko nga masabing "Wag kayo magulo! Nagcoconcentrate ako magpicture dito!" Haha.




I also had a hard time to appreciate James and Nadine's gorgeous faces. Kasi malabo mata ko. Near sighted ako. Pero dahil ayaw ko magpabili ng eye glasses, hirap ako maka-aninaw ng malayo. Good thing itong kasama ko ay near-sighted din at meron siyang suot suot na eye glasses na fit na fit sa mata ko. So I didn't think twice on borrowing it. Luckily, she's so kind and agad niyang inabot sa akin. She just to me that, "handle it with care, please"






Buong oras ng signing up nila and picture taking nila with JaDine dito ako sa gitna 2nd floor nakatingin lang sa kanila. Tapos si James, panay tingin at kaway sa Taas. One time, did that, sobra akong nagwala. Seryoso. Muntik ko nang mabalibag ýung camera ko. Tapos siya nakangiti na natutuwa. Naka tingin talaga siya sa akin (sa amin). Tapos tinuturo kami. Natutuwa siya. Kasi napatingin lang siya, pero ganun na lang kami magwala. Then, ilang ulit niya ginawa iyon. Tapos ang kulit pa niya, nag hand gesture pa siya na "bumaba" daw kami. Yung pinapababa ako (kami). 




Grabe, ang kulit. Ilang beses niyang ginawa iyon sa aming part lang. Tapos ýung sa gilid, hindi. Pero one time, tumingin siya doon sa right side part namin tapos mga malungkot/ hindi maingay so he did, he put his magkabilang daliri sa labi niya and formed a smile. Pinangiti sila!




Hay, grabe, nakakatuwa talaga si James. Nakakapanghinayang nga lang, hindi ko ýon nakukuhanan ng litrato. Pero nakatatak naman iyon sa utak ko and it will never be deleted. It will remained forever. Si Nadine, hindi siya masyado natingin sa taas. All she's doing was entertain the people na nakikipagpicture sa kanila. So kind.



Bukod sa Meet & Greet, dumating din ýung TV Patrol at ininterview sila.



Fixing their self first before the interview start. 




At bonus pa, before they leave nakita namin sina Jack Reid at ang Papa nila. Omg.




I will not forget this day! Kasi this day, first time ko silang nakita. Kahit malayo, para na rin silang malapit. Kasi nandito na sila sa puso ko. :) Pero next time, tiwala lang, malalapitan ko na rin sila at magkakaroon ako ng selfie with them.

You May Also Like

2 comments

  1. Awww. Namiss ko tuloy nung teenager ako and super fangirl mode rin ako. The difference is, hindi ko nakita yung gusto kong loveteam dati (Carlo Aquino+Angelica Panganiban). At least ikaw, super lucky! <3

    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awww, baka someday magkita pa rin kayo. Kung gusto niyo pa rin po sila makita kahit hindi na po sila magkatambalan. Wala naman pong pinipiling edad ang pagiging fangirl, hehe :) Thank you , Steph and thank you for stopping by :)

      Delete