Sweet Sixteen

by - Thursday, May 21, 2015


Today, I officially turned 16! Cheers for my another year of age. 

Una sa lahat, iba-iba tayo magcelebrate ng birthday. Ako naman, I always celebrate my birthday with my family and I never get a chance to celebrate with my classmates & friends. Kasi bakasyon ang birthday ko. #ThugLayf Hindi ko alam kung anong feeling kapag mga kaklase at kaibigan ko naman ‘yung kasama ko magcelebrate ng birthday. Kasi kapag mag-aaya ako, hindi sila pwede, o di kayaý may pupuntahan sila.

Ilang araw bago sumapit ‘yung birthday ko, nagka-chat kami ng bestfriend ko. And she said, “Ahhh. So wala kami sa birthday mo?”

“Sad to say.. pero wala nga talaga ” I replied.

After we chatted, I got this strange feeling. Pero ayaw ko namang mag-expect. Kaya hindi ko nalang pinansin. Baka kasi naiisip ko lang ‘yung mga ‘yun. Yung mga “surprise things”

Umaga pa lang pagkagising ko, hindi ko naramdamang birthday ko pala ngayon. Nakalimutan ko. At tsaka wala namang bumabati sakin, eh. Nakalimutan ko rin magbukas ng social media accounts ko.

Hanggang sa dumating ýung hapon. Kain, tulog, nood tv, ganyan lang ginagawa ko the whole day. And when it was already 4 in the afternoon. Nanonood na ako ng pinaka hihintay kong Korean Novela tuwing hapon ang “Let’s Get Married”.

Kinalimutan ko na lalo ‘yung iniisip kong isusurprise ako ng mga kaibigan ko kahit na bawal sila. Ganun. Kasi malabo nang mangyari. Mag gagabi na kasi. 'Yung isa ko kasing kaibigan, bawal gabihin kaya for sure, bawal siya. 

Nag unang patalastas na yung pinapanood ko. Pumunta ako sa likod ng bahay namin. Para kumuha ng makakain. Nang biglang may tumawag sa may gate. Kaya naman naghadali akong pumunta sa gate para tignan kung sino ‘yon.

Tumambad sa akin ‘yung kaibigan ko. Siya pala ‘yung tumatawag.

“Anong ginagawa mo dito?!” Iyan ang bungad ko sa kanya. At hindi ko pa pinagbuksan ng gate.
“Sweet 16 ka na. Dapat maging sweet ka naman.” She chuckled.

Nagpupumilit siyang buksan ko ‘yung gate, but I refused. Nagpapasama siya na bumili ng Coke. Nauuhaw na daw kasi siya. I refused again. Sabi ko may tubig kami. Magtubig na lang siya. Pero ayaw niya talaga. E, mas matigas ako, hindi ko talga siya pinapasok at sinamahan.

Ilang minuto na rin siya doon kaya pinapasok ko na siya. Nakonsensya na ako. Haha!

Pagpasok niya, para siyang nababalisa. Hindi mapakali. Paulit ulit siyang nagpapasama bumili ng coke sa labas. Pero nagmatigas akong hindi ko siya sinamahan. Sabi ko busy ako manood.

Then after a few minutes, lumabas siya. Siya na daw bibili at babalik na lang daw siya. Sabi ko "paglumabas ka di na kita pagbubuksan uli ng gate." 

30 minutes passed. Hindi pa rin siya nakakabalik. Bigla akong nagalala, pero naisip ko, “Naku, baka sine-set up lang ako” Kaya nagmatigas pa rin ako. Hindi ako lumabas.

After kong maligo, yes alam nila. Ganyan ang magkakaibigan. Nagtataka ako wala pa rin siya. Kaya sumilip ako sa bintana, nakita ko sila - yes dalawa na sila, nakaupo sa labas ng gate. Agad akong lumabas at tinadtad sila ng tanong.

“Bago tayo magkwentuhan papasukin mo muna kami.” My other bestfriend said.

Natatawa ako sa itsura nila. Grabe mukhang pagod na pagod. “Hindi ka man lang naki-ride!” She said noong sinabi kong may nararamdaman akong kakaiba.

Hindi ko masabi sa kanila na ayaw ko ng mga surprises kasi sweet actions na rin ‘yon. Kaya sobrang hard ko kanina. Bitter akong tao e. Not because brokenhearted ako. Ayoko lang talaga ng mga ganyan. Like eww 

Pagpasok nila binigay sa akin ‘yung dala dala nila. The photo below,

16 candles daw talaga 'yan. Naging 4 na lang. Kasi failed ang plan nila na palabasin ako kanina. Natunaw na 'yung mga candles sa tagal nila doong nagiintay. Hehe 

Yung paper bag, gift nung kaibigan kong nagaaya bumili ng coke. Tapos 'yang papel collaboration nilang dalawa. Sabi ko mamayang gabi ko nalang bubuksan. Ayoko lang makita nila reaction ko sa pagbubukas ng mga regalo nila. Hehe. Hindi ako expressive na tao when it comes to this. 

Nahihiya ako. Wala akong handa. Wala tuloy akong mapapakain sa kanila. Buti na lang at may pera ako. Naipon ko buong bakasyon. Kaya naman niyaya ko sila pumunta sa bayan. Bawal naman kasi sila sa malalayo eh. Kaya hanggang Dunkin’ Donut lang kami with matching coke from 7-11.

Dapat sa Jollibee kaso mahaba pila. Kailangan na rin nila umuwi ng maaga. Tapos sa chowking naman, matagal ang order. Kaya walang choice kundi sa Dunkin’ Donut talga. Total konti lang tao doon.


Dahil sa sarap ng kwentuhan di na namin namalayan ‘yung oras. Lagpas 6 pm na pala. Kailangan na umuwi nung isa kong kaibigan.

When we are on our way home, biglang nakita namin ‘yung isa kong kaibigan na dapat kasama with her boyfriend. Kaso kailangan pa nilang sunduin siya.

Sa gitna ng daan nagkwentuhan kami. Grabe ang lalakas ng boses namin. Hindi kami nagkahiyaan sa mga dumadaan. Hanggang sa ‘yung nasa tapat ng store nainis na samin kaya sadyang nilakasan ‘yung speaker. Hindi tuloy kami magkarinigang magkakaibigan. Pero sa halip na mainis kami doon sa lalaking nagsadyang palakasin ýung speaker, tumawa lang kami ng malakas. Tapos lalo pa namin nilakasan ‘yung boses namin. Wala eh, loka loka talaga kami eh. HAHA!

When I got home. I’m expecting na hanggang doon na lang ‘yung birthday celebration ko. Kasi hiniling ko kay Daddy na cash na lang ‘yung regalo sa akin. But still, naguwi pa rin si Daddy ng pagkain.

2 kinds of pizza and a cake. I asked him, “Daddy, Ikaw lang nagbibit lahat ng ‘to?” Ang dami kasi eh. Plus ‘yung backpack niya. Bale, cake, ‘yang 2 pizza at bag niya vs. siya?


He said yes. Grabe. Ang galing! Today, I’m truly happy! I thought this day will be just like an ordinary day, but I’m definitely wrong.

The original candle for the cake (that it was in the middle) Then the 16 candles doon sa cake na dala nung bestfriends ko. 

And before I sleep binuksan ko na ‘yung regalo nila sa akin. At first akala ko totoong kikiligin nga ako. Kasi ‘yon nakasulat sa labas ng paper bag.

Pero hindi. Hindi ako kinilig. Natakot ako! Natakot! Haha! Eh kasi naman… Ano laman?

Isa lang namang Kung Fu Panda Stuff toy.

So I chatted my best friend who gave me this creepy-looked present, “Ang dami pa namang cute na panda, bakit eto pa?!” and so on. But then kahit na parang babangungutin ako dito sa stuff toy na ‘to… na appreciate ko pa rin. Kasi nag-abala pa siya. Naalala pa niya ako.

Naappreciate ko lahat ng binigay nila at ginawa nila.

And now that I’m 16, there will be more opportunities to come. More experiences with lessons. Sana maging mas matured pa ako kesa nung 15 ako. Sana mas maging better ako ngayon than I was last year.

You May Also Like

0 comments